About Me

My photo
Too many written poems, short stories, essays, op-eds and columns... Someday, somehow; I'll find the way to organize, collect and post them in this blog... Thanks be to God and I'd became a campus journalist, member of a collegiate official student publication (VOICE), College Editors Guild of the Philippines (CEGP) guilder and an activist... I learned not to write only for myself but for the masses...

Thursday, December 23, 2010

hindi ka masulat

Marami na rin mga salitang nabaybay,


Nakabuo ng pangungusap,
Nagdulot ng talinghaga,
Resulta’y tula,
Dili kaya’y sanaysay na masighay.


Sa dami ng titik na nakumpas ng pluma;
Maging dugo’t pawis man ang naging tinta;
Mga sultatin ay hindi mananagana
Kung walang inspirasyon
Sa mga sanaysay at tula na naisaletra.


Ano nga ba ang mapagdikta?
Kundi puso at isip ng isang may-akda
Na napakalawak ng damdamin,
Pang-unawa’y malayo ang nararating
Hanggang ito’y umabot sa nais tahakin.


Ngunit nang makilala ka nagulo ang konsepto ;
Ika’y naging laman nga ng puso.
Inisipang isatitik ang paghahangad,
Sumubok ibaybay ang nadarama ;
Gayunpama’y bigo ang resulta.


Hindi mapangyari na mailaman
Ang saloobin sa pamamagitan ng mga titik.
Akala ko madali ang makapagsulat
Upang ikaw ay mamulat
Sa tunay na hubog nitong damdamin.


Marahil inspirasyon nga ang nagpabunga
At nagpahitik ng panitikan.
Subalit kapag puso ko ang ilalapat
Na ang nasa loob ay ikaw;


Siyang ikaw nga ay hindi masulat.

No comments:

Post a Comment