Ang lipunan ay hindi kayang baguhin ng kasalukuyang bulok na sistema ng gobyerno. Bilang mga Pilipino, ang kolektibong pagkilos natin bilang isang bayan ang makakapagpabago ng kasalukuyang sistema.
Tayo ang magbibigay ng pag-asa para sa kinabukasan hindi ang mga kandidato ngayong halalan, anuman ang kulay nila – dilaw, orange, pink, berde o asul dahil sila mismo ang naghahari sa kasalukuyang sistema at papanatiliin lamang nila ang kabulukan nito upang masigurado nila na sila ang nasa tuktok. Kung baga sa hugis, ang lipunan natin ay parang tatsulok, iilang may kapangyarihan lamang ang nasa tuktok, ang kolektibong pagkamulat , pagkilos at paglaban natin bilang iisang mamamayan na makabayan ang babaliktad sa tatsulok...
Maging mapanuri po tayo. Iboto ang mga nararapat, ang mga tunay na makabayan at katuwang ng sambayanan sa laban natin para sa pagtapos ng kasalukuyang bulok na sistema. Wag papadala sa mga gimik ng mga pulitiko na ang interes lamang ay maghari sa sistemang papabor lamang sa interes nila. Tandaan po natin na hindi lahat ng dilaw ay bayani, bagkus ang karamihan pa sa gumagamit ng kulay na ito ay ang mga pumaslang at patuloy na pumapaslang sa mga maliliit ngunit tunay na bayani ng lipunan.
Ang sabi ng PULITIKONG OPORTUNISTA: kailangan "KO"sila sa senado... Ganito dapat: kailangan ng "BAYAN" sila sa senado... Mamili ng tunay na makabayan! Umiwas sa mapagpanggap na nagpapain sa isang magandang daan, dahil nasa dulo ng maganda at tuwid na daan ay patibong...
Kaya ako, iboboto ko ang labas at sumasalungat sa kasalukuyang sistema ng lipunan...
152. KABATAAN PARTYLIST
37. SATUR OCAMPO
33. LIZA MAZA
Gayunpaman, anuman ang maging resulta ng eleksyon, ay hindi nangangahulugan na maari na tayong magpatumpit-tumpit at ipaubaya ang ating kinabukasan sa sinumang susunod na mamamahala ng bayan sapagakat ito pa lang ang simula. Hindi kailanman na ang gobyerno, na may sistemang nagsisilbi lamang sa interes ng iilan ang magbibigay ng pagbabago sa ating lipunan. Tayo ang pagababago, hindi ang eleksyon, pulitiko o gobyerno. Ipagpatuloy natin ang pagkilos para sa pagababago.#
facebook.com/onick.roxas on Sunday, May 9, 2010 at 6:56am
About Me
- Onick Roxas (Ronoriendo Roxas y Mañabo)
- Too many written poems, short stories, essays, op-eds and columns... Someday, somehow; I'll find the way to organize, collect and post them in this blog... Thanks be to God and I'd became a campus journalist, member of a collegiate official student publication (VOICE), College Editors Guild of the Philippines (CEGP) guilder and an activist... I learned not to write only for myself but for the masses...
Monday, January 3, 2011
Isang tala bago ang eleksyon... Tayo ang pagbabago!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment