munting kaligayahan nung ako'y bata
libreng laruan at fries sa aki'y solb na
lalo na kapag mapera si papa
ilalabas nya at ililibre dito ang buong pamilya
natapos ang panahon ng aking kamusmusan
at humakbang sa bagong antas ng kamalayan
dating anak na nililibre siya ang taya naman
ngunit ang dating masayang mukha ng ama kapag nanlilibre
napalitan ng lungkot sa di malamang kadahilanan
sa pagmumuni-muni dun napag-iisipan
na kaya luha ng ama ay nangilid nung ilibreng minsan
ay dahil sa pag-alala nung panahon ng kanyang kalakasan
kung hindi uminog ang buhay at kapalaran
siya pa rin dapat nagpapasaya sa anak na naturingan
at hindi inisip na darating ang panahon na minsan
na kung san ang kanyang dala ay kaligayahan
ay matatapos sa isang bagay na hindi inaasahan
na darating ang panahon na kapag matutuntunan
ang binibilhan ng mga pagkaing kinagugustuhan
lungkot ang madarama dahil sa mga ala-alang
dapat masaya ngunit napalitan
nung dinala siya ng kanyang anak dun sa isang restawran
ng lungkot sa hindi inaakalang kadahilananan
na isa na pala sa mga huli niyang kasiyahang
makaapak muli sa ganong uri ng kainan
at darating ang nalalapit na panahon na hindi na sya ang isasama
kundi mga ibang tao na malapit sa anak nya
dahil siya ay wala na....
ang daya talaga dahil hindi pa nakakabawi ng lubos ang anak sa ama
kaya sa mga ibang tao, kaibigan at kapamilya hahanapin ang pangungulila
sampung minutong minadaling komposisyon dahil papauwi na sa trabaho at kakain lang sa mcdo
No comments:
Post a Comment