Sino bang may sabi na magandang mamasyal sa Marikina?! Dun sa tabi ng ilog? Corny baduy!!! Siksikan ang mga tao at ang karamiha’y jologs! Mura daw ang bilihin sa mga tiyangge at affordable ang mga pagkain. Hinde kaya! Sa Borokyo na lang ako, trenta lang solb na! Yung mga damit, sapatos at bags puro imitations o kaya nama’y smuggled. Akala ko pati, galit si BF sa mga nagtitinda ng mga piratang DVD? Bilib na sana ako sa panghuhuli nya sa sidewalk ng mga nagbebenta nito. Eh bakit ang dami dun? Sa bagay, kesa payagan sila na magtinda ng mga pinirata sa Quiapo o Cubao, sa tabing ilog na lang para sa kanya ang bayad sa pwesto (*blink* *blink*). Alam kaya nya na may mga nag-eexist na pirata dun? O baka naman kaya wa siya care kasi wala sa tabi ng kalsada, sa ilog. Hmmm…
Ahoy! Musta mga dabarkads! Bumanat agad ako eh hindi ko pa pala nababati ang mga mambabasa ko! Salamat muli sa pagtangkilik. Nagugulumihanan nga ko at nasa bagong surrounding ako – sa TIPBOY. Maganda ito dahil dito ang pikon ay talo. Nga pala, kaya ako napadpad sa Marikina dahil naghahanap ako ng regalo kasi malapit na ang Pasko. Yung gusto ko kasing regalo eh yung makakapagbigay ng enJOYment sa lahat. Baka may alam ka? Itext mo naman sa akin – 09691230210.
*****
Sa totoo lang, may nais na nga akong ibigay sa mga Atienza eh. bulaklaking polo na may mukha ni Pacman. Corny bading lang! Nakakairita lang sila nung umuwi sa bansa si Pacquiao. Hindi ko malaman ang papel nila kung sila’y manager o PA ni Pareng Manny. Nakabuntot sila parati. Yung media nga kung gusto ng interview kay Manny, kailangan dumaan at magpaalam kay Mayor Atienza. Yung mga anak naman ni Mayor, feeling maraming fans! Nakikikaway sa parada ni Pacquiao. Take note: katabi sila ni Papa Manny. Ang taray! Charuz! Akala ko Mayo ang election, tila ngayon eh nagsisimula na ah!
Hindi lang naman sila ang sumasabit sa katanyagan ng Pambansang kamao, marami pang pulitiko. Kung pagsabit lang ang pag-uusapan, papahuli ba si Chavit? Pangalan pa lang di bah! Sa Vegas pa lang visible na ang kumag. Kumameg pa nga daw ng mga pusta yun dun eh! Heto malupet! Nung may interview matapos ng laban ni Pacquiao, mukhang tungaw na nasa likod sya! Speaking of kurikong. Ehem! Ehem! Ehem! Yoko ngang bigyan ng regalo sya. Mayaman na eh! Musta ang jueteng sa Ilocos?
Hindi lang si Tonggresman Singson ang nakikisawsaw sa kasikatan ni Pacquiao. Si G. Miles Roces din. Medyo tahimik na pulitiko sya, gayunpaman, hindi nagpahuli. Ayun naging driver ni Manny patungo sa hotel na tutuluyan pagkatapos ng victory parade. Alam ko na ang gustong regalo nito… Pangalan niya sa balota sa darating na Mayo… Ibibigay ko ba? Sa tingin nyo? Hmm… Esep-esep! Nek-nek nya!
Silipin naman natin ang panukala at hinahangad na Cha-Cha ni GMA… Ayun, binasura ang PI ng Supreme Court. Pagkatapos ng PI, Con-Ass naman. Mga PI nila at Con-Ass! Con-Ass stands for Constituent Assembly and PI for People’s Initiative (baka masama na nasa isip nyo). Ewan ko lang kung maging fare este fair ang mangyayari sa Con-Ass. Simulat-sapul na uminit ang usapin ukol sa Cha-Cha eh kitang-kita ang pagsayaw ni JDVsa himig nito. Pati nga tenga nya pumapalakpak kapag nabibigkas ng bossing nyang si GMA ang Cha-Cha. Dahil dun, lumaki ang tenga nya este malaki ang bilang ng papabor sa Con-Ass sa Kongresso. Yun ba naman bakapan ng House Representative at sa karagdagan, mas marami ang maka-administrasyon sa kongreso! Naalala ko nga nung magbabago ng house rules, wala nang botohan! Dinaan na lang sa palakasan ng boses. Who’s in favor say yes; Yeeeees! Yebah! Who’s not in favor say nei; Ngyeeeh! Obviously, panalo ang yes. Para kay JDVat mga alipores nya, ang ibibigay ko ay ang mga cute na cute at napakamasusunuring tuta.
Hay naku lang! Ayokong masira ng pulitika ang Pasko ko! Marapat na manood na lang ako ng sine upang pansamantalang malibang. Magandang gimik yon at may MMFF! Alam ko na papanoorin ko – Enteng Kabisote 3, nabitin ako nang huling dalawang parts eh! Speaking of Enteng, tingin ng nakakarami ito ang magiging top grosser ng taon. Para sa akin naman, ang karamihan sa pulitiko ang TOP GROSSer… yakadirs!!!
Hay naku lang! Ayokong masira ng pulitika ang Pasko ko! Marapat na manood na lang ako ng sine upang pansamantalang malibang. Magandang gimik yon at may MMFF! Alam ko na papanoorin ko – Enteng Kabisote 3, nabitin ako nang huling dalawang parts eh! Speaking of Enteng, tingin ng nakakarami ito ang magiging top grosser ng taon. Para sa akin naman, ang karamihan sa pulitiko ang TOP GROSSer… yakadirs!!!
**nailatahala sa seksyong Mga Kuro-kuro ni Juan dela Cruz
unang labas ng TIP Boy- ang kauna-unahang lampoon page ng TIP VOICE (Issue 4.3)
No comments:
Post a Comment