About Me

My photo
Too many written poems, short stories, essays, op-eds and columns... Someday, somehow; I'll find the way to organize, collect and post them in this blog... Thanks be to God and I'd became a campus journalist, member of a collegiate official student publication (VOICE), College Editors Guild of the Philippines (CEGP) guilder and an activist... I learned not to write only for myself but for the masses...

Monday, January 3, 2011

Isang Pangarap

Isang tula na isa lamang pilantik sa aking nag-iisang utak na diniktahan ng nag-iisang damdamin na nais sanang ialay sa isang taong hinahanap sa isang panahong malungkot dahil ako'y nag-iisa lamang sa opisina at may isang trabahong tinatapos kaya naisipang gumawa muna ng isang tula. Wheeew! Ang daming 'isa' dala na rin siguro na ang isang taong sumulat nito ay may isang pangarap...Ü
Katabi ngunit
hindi makanti…
Iniiwasang maulanan
ni maarawan
Sapagkat kahalagaha’y
ganun na lamang

Kaulayaw ngunit
hindi mahagkan…
Ang mga labing
kaakit-akit na tulad
sa isang anghel
na marikit

Kausap ngunit
hindi mayakap…
Inaasam na
ikaw at ako'y
magkakadaupang palad sa
isang tinadhanang alapaap

Kailan kaya makakanti,
mahahagkan at mayayakap
Ang tinuturing mahalagang
anghel sa alapaap?
Oh sadyang ikaw ay
isa lamang pangarap…

Matapos ang isang tula, may isang ngiti mula sa isang emo na bata...Ü haha!

No comments:

Post a Comment